Lunes, Marso 12, 2018



Panimula

              Napakahalaga  po para sa bawat tao o bawat pamilya na magkaroon po ng sapat na tirahan. Tirahang hindi po siya maiirita, kundi tahanang siya o sila po ay magiging masaya. Ngunit sa maralita, lalo na po sa mga lugar ng iskwater, maraming demolisyon po ang nagaganap; maraming maralita ang nawawalan ng tahanan. Ngunit kasalanan po ba ng mga maralita na tumira sila sa barung-barong, pero dahil po sa kahirapan ay yun lamang ang kanilang kaya?




Marami po sa mga maralitang dinemolis at dinala po sa relokasyon (tulad sa CAVITE) ang hindi naman po talaga nabibigyan ng sapat na pabahay, ayon po sa negosasyon sa kanila bago po sila idemolis, bagamat marami po talaga sa kanila ang sapilitan po tinanggalan ng bahay. Ang matindi pa po ay ang pagiging negosyo po ng mga pabahay, imbes na serbisyo. Patunay po dito ang tinatawag na escalating scheme of payment na kasunduan para sa pabahay, na hindi naman po kaya ng mga maralita o mahihirap. Ngunit ano ba po ang batayan natin para masabi nating sapat po na ang pabahay at ito'y ating karapatan? 


Programa at mga Ahensya ng Pamahalaan na Namamahala sa mga Pabahay sa ating Bansa




Artikulo XIII - Reporma sa Lupang Urban at sa Pabahay
SEKSYON 9. Dapat magsagawa ang Estado, sa pamamagitan ng batas at para sa kabutihan ng lahat, sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, ng patuluyang programa sa reporma sa lupang urban at sa pabahay na magbibigay ng makakayanang disenteng pabahay at mga pangunahing paglilingkod sa mga mamamayang dukha at walang tahanan sa mga sentrong urban at mga panahanang pook. Dapat ding itaguyod nito ang sapat na mga pagkakataon sa hanapbuhay sa mga mamamayang iyon. Dapat igalang ng Estado ang mga karapatan ng mga may-ari ng maliliit na ari-arian sa implementasyon ng programang iyon.
SEKSYON 10. Hindi dapat paalisin ni gibain ang kanilang mga tirahan ng nagsisipanirahan na mga dukhang urban or rural maliban kung naaayon sa batas at sa paraang makatarungan at makatao. Hindi dapat ilipat ng tirahan ang nagsisipanirahan na mga dukhang urban o rural nang walang sapat na pakikipagsanggunian sa kanila at sa mga pamayanang paglilipatan sa kanila.


1. National Housing Authority (NHA) – ahensyang namamahala sa programa sa pabahay lalo na sa walang-bahay na pamilya na mababa ang kita na may kakayahang makuha ang kinakailangang serbisyong panlipunan at pang-ekonomiyang oportunidad at mag-ambag sa pagtiyak ng pagtaas ng kalidad ng buhay ng mga benepisyaryo.
2. Home Development Mutual Fund (HDMF) – popular na tinatawag na PAG-IBIG, ito ang ahensya sa pabahay na ang tungkulin ay magpondo ng pabahay at paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga myembro nito.
3. National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) – mayor na institusyon ng pamahalaan hinggil sa sanglaan (mortage) ng pabahay, at pamamahala sa pinanggalingan ng pangmatagalang pondo lalung-lalo na mua sa Social Security System, ang Government Service Insurance System, at ang Home Development Mutual Fund.
4. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB) – kambal na ginagampanan nito ang pagpapahusay at pagpapalakas sa rasyunal na pabahay at serbisyong real estate sa pamamagitan ng tatlong estratehiya: patakaran, pagpaplano at regulasyon, tulad ng isinasaad sa mga Dekretong.
5. Home Development Mutual Fund (HDMF) – popular na tinatawag na PAG-IBIG, ito ang ahensya sa pabahay na ang tungkulin ay magpondo ng pabahay at paunlarin ang kalidad ng buhay ng mga myembro nito.
6. Social Housing and Finance Corporation (SHFC) – isang institusyong pinansyal na tungkuling maglaan ng pabahay sa mga kapuspalad na mamamayan sa pamamagitan ng paglalaan ng abot-kayang pinansya sa pabahay, at makipagtulungan sa mga multisektoral na stakeholders para para sa pagbuo at pagpapatupad ng makabago at sustenableng programa sa panlipunang pabahay.
MGA DOKUMENTONG MAGAGAMIT SA LEGAL NA PARAAN NG PABAHAY NG PAMAHALAAN:
1. Sinumpaang salaysay
2. TRO – Temporary Restraining Order
3. OCT – Original Certificate of Title
4. TCT – Transfer Certificate of Title
5. Certificate of census
6. Barangay Permit

MGA PROGRAMANG PABAHAY SA LALAWIGAN NG CAVITE

Capacity Building on Community Mortgage Program and its Process

Isa po sa mga programa ng ating pamahalaan ng lalawigan ng Kabite ang pagbibigay ng mga seminar at mga livelihood program para po sa mga maralita at mahihirap na kababayan upang magkaroon ng mabisa at produktibong pabahay. kasabay po nito ay ang pagbuo ng mga batas at mga bago po ordinansa upang magkaroon ng maayos, matiwasay, at kapaki-pakinabang na pabahay para po sa mga kabitenyo. Ito ay isa aming pangunahing programa upang sumabay ang kalidad ng pamumuhay sa kabite, sa pag-unlad ng lalawigang ito.

 Housing Memorandum of Understanding (MOU) signing, Bacoor, Cavite 

            Magandang hapon po sa inyong lahat.
            Hayaan ninyong batiin ko muna ang mga taga-Bacoor. Ang inyong bayan ay isa nang component city makaraan ang mahigit tatlong daang taon bilang munisipalidad.
            Palakpakan ninyo ang inyong sarili dahil sigurado akong kayo ang naging inspirasyon ni Congresswoman Lani Revilla at Senator Bong Revilla upang isulong sa Kongreso ang cityhood ng Bacoor.
May isang munting problema lang po, sa tingin ko. Ngayong isa ng siyudad ang bacoor, ibig sabihin po ba ay hindi na pwedeng presidente si Mayor Strike Revilla ng League of Municipalities?
            Pero, malay po ninyo, baka ang pinuno ng pinakabunsong siyudad ang siya namang maging presidente ng League OF Cities. Hindi malayong mangyari, di po ba?  Nakita niyo naman ang progreso ng 

Bacoor sa ilalim ni Mayor Strike. At iyan ay bunsod ng kanyang bisyon na mabigyan ng maayos at maunlad na pamumuhay ang mga taga-Bacoor.

            Ang pagtitipon natin ngayon ay isang testimonya sa pagkamasigasig nina Mayor Strike at mga pinuno ng siyudad. Sinikap nila na maibigay ang mga karapat-dapat na serbisyo, katulad ng pabahay, sa inyong mga taga-Bacoor.

           Ngayon pa lang ay nais ko nang batiin ang ating mga guro, empleyado ng lokal na pamahalaan at iba pang kawani ng gobyerno. Ang araw na ito ay ang unang hakbang sa pagtupad ng inyong mga pangarap na tahanan.
            Nasaksihan po ninyo kanina ang pagpirma sa memorandum of understanding sa pagpapatupad ng proyektong pabahay para sa inyo. Pinangunahan ito nina Atty. Darlene Berberabe ng Pag-IBIG Fund at ng inyong butihing punong-bayan na si Mayor Strike Revilla. At mamaya, we will break ground for the project, patunay na wala nang makakapigil sa katuparan ng Strike Ville Subdivision.
            Halos limang daang (500) pamilya sa Bacoor ang mabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng matatawag na sariling bahay.
          At pwede pang madagdagan ang bilang na ito. Sa ilalim ng Group Housing Loan Program (GHLP) ng Pag-IBIG Fund, hanggang apatnapung milyong piso (P40 million) bawat phase ang maaaring ipautang para sa medium-rise housing projects.


Capacity Building on Leadership Skills



    Programa din po ito ng ating lalawigan para sa mga namumuno sa bawat barangay o subdividion, at home owner's association, sila po ay binibigyan ng libreng seminar (Communication and Leadership Development) sa pamumuno ni Mr. Charlie Martinez of Sangguniang Panlalawigan bilang speaker ng programa, upang maging mabuti at maayos na pinuno sa lipunan. Nagbibigay din po tayo ng mga Livelihood Program upang maituro nila sa kanilang mga nasasakupan. isinagawa po ang programa sa Ceremonial Hall, Provincial Capitol Building, Trece Martires City. 

Seminar on Capacity Building on Community Mortgage Program


     Ang seminar po ito ay naglalayong tukuyin o alamin ang mga teknikal na pamamaraan ng mga pabahay na maaring makatulong sa ating mga maralitang mamayanan. Ang lalawigan po ng Kabite ang naging host ng naturang seminar sa tulong ng Provincial Housing Development and Management Office sa pamumuno ni Ma Karen Camañag-Tupas, ginanap ang naturang seminar sa Bay Leaf Hotel General Trias, Cavite. Kasama po ang mga iba't ibang pinuno ng mga munisipalidad at distrito ng mga probinsiya sa Pilipinas.
    Community Mortgage Program (CMP) ay tinalakay din po dito sa patuturo nila Mr. Will O. Peran at Engr John O. Lee. tinalakay po dito ang teknikal na proseso ng Mortgage Program ng CMP at financial scheme nito, na nagbibigay po karapatan at pagkakataon sa mga maralita na magkaroon ng pagkakataon makuha ng pabahay at makahiram ng pondo pananalapi upang paumpisang pangkabuhayan. lahat ng eto ay napapaloob sa "Under E.O. 272, the SHFC shall be the lead government agency to undertake social housing programs that will cater to the formal and informal sectors in the low-income bracket and shall take charge of developing and administering social housing program schemes, particularly the CMP and the AKPF Program (amortization support program and development financing program). SHFC provides homeless, and low income families with flexible, affordable, innovative, and responsive (FAIR) shelter solutions to their housing needs. Also present during the event were Atty. Tristan Frederick Tresvalles, OIC Vice President, Luzon Operations Social Housing Finance Corp (SHFC), Dr. Dominic Tolentino, Housing Economic Enterprises Regulatory Office Chief, Mr. Amando Mendoza, OIC, Manager of High Density Housing (HDH) and Mr. Marcelino Bautista, OIC, COD of High Density Housing (HDH)".






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento